MANILA, Philippines - Tanging ang Crispa at Purefoods, kapwa giÂnaÂbayan ni legendaÂry head coach Virgilio ‘BaÂby’ Dalupan, ang dalawang koponang nakabangon mula sa isang 0-2 pagkakabaon sa isang best-of-five title series matapos balikan ang Toyota at Alaska noÂong 1976 at 1990 Third ConÂference, ayon sa pagÂkaÂkasunod.
Ito ang siyang pipiliÂting gayahin ng Barangay Ginebra sa kanilang pagsagupa sa Alaska ngayong alas-7:30 ng gabi sa Game Three ng kanilang best-of-five titular showdown paÂra sa 2013 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.
“Ang hirap. Ang ganda din kasi ng ginagawa nila,†sabi ni Gin Kings’ pointguard LA Tenorio sa Aces. “Ang dami pa niÂlang player. Ang bilis ng paÂlit nila. Ilang players ba ang double figures nila? Eh last game pito. Iyon ang key sa kanila, kaya fresh sila.â€
Ayon kay Tenorio, piÂpilitin nilang makuha ang Game Three para maÂkaÂpuwersa ng Game Four sa Miyerkules.
Pipilitin naman ng Alaska na kumpletuhin ang pagwalis sa Ginebra paÂtungo sa pagsikwat sa kaÂnilang pang-14 PBA crown.
Hawak ng Aces, huÂling nagkampeon noong 2012 PBA Fiesta ConfeÂrence, ang 2-0 bentahe laÂban sa Gin Kings.
Kinuha ng Alaska ang Game One, 87-70, at ang Game Two, 104-90, kontra sa Ginebra.
Sa kabila ng hawak na 2-0 bentahe sa kanilang serye, hindi pa rin kinakalimutan ni Trillo ang mga kayang gawin nina Tenorio, import Vernon Macklin, Jayjay Helterbrand at veteran Kerby Raymundo para sa Gin Kings.
“There’s a lot of resÂpect we give to Tenorio, Macklin, Jayjay and KerÂby. Kaya sila (Ginebra) nandito ay dahil sa kaÂnila,†wika ni Trillo, haÂngad ang kanyang unang PBA title bilang isang head coach.
Ihahayag naman ang mananalo bilang Best Player of the Conference at Best Import (Bobby Parks Trophy) bago pakaÂwalan ang Game Three.
Sina Tenorio ng Ginebra at rookie forward Calvin Abueva ang sinasabing mag-aagawan sa BPC award.
Sina Alaska reinforcement Robert Dozier at Macklin ng GiÂnebra ang naglalaban naman para sa Bobby Parks Trophy.
Samantala, pinagmulta ng PBA Commissioner’s Office si Gin Kings’ mentor Alfrancis Chua ng P10,000 dahil sa pagÂpapakita nito ng dirty finger sa mga fans ng Aces sa Game Two noong Biyernes sa MOA Arena sa Pasay City.