Rios payag sa random drug test
MANILA, Philippines - Kinatigan ng kampo ni Brandon ‘Bam Bam’ Rios ang pagsailalim nila ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao sa isang random drug testing na isasagawa ng Voluntary Anti-Doping Association.
Sinabi ni Robert Garcia, ang chief trainer ni Rios, na suportado niya ang pagsasailalim ng mga boxers sa random drug testing kagaya ng ginagawa ng alaga rin niyang si Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr.
“It’s great. I think it is something that should be done randomly to every professional fighter in the world,†wika ni Garcia. “Maybe not for four or six-round fighters but once you are on the top level, it should be mandatory.â€
Ang kampo ng 34-anyos na si Pacquiao ang nagpanukala na dumaan sila ng 27-anyos na si Rios sa naturang drug testing bago ang kanilang non-title, welterweight fight.
“Every single fighter randomly. Because if they don’t? Imagine in cycling, (Lance Armstrong) came out and admitted to (doping) but there are hundreds out there doing it,†sabi ni Garcia.
Maghaharap sina Pacquiao (54-5-2, 38 KOs) at Rios (31-1-1, 23 KOs) sa The Venetian Macao Resort Hotel sa Macau, China sa Nobyembre 24 (Nobyembre 23 sa US).
Gusto ng kampo ni Pacquiao na patunayan na wala siyang ginagamit na performance-enhancing drugs (PEDs) na nauna nang ipinaratang sa kanya ni Floyd Mayweather, Jr. at ni Oscar Dela Hoya.
Hangad din ng grupo ng Filipino boxing superstar na matiyak na walang gagamiting PEDs si Rios lalo na at ang kontrobersyal na si Angel Heredia ang tatayong strength and conditioning coach niya.
Si Heredia ang siyang nagpalaki ng katawan ni Juan Manuel Marquez, nagpatulog kay Pacquiao sa sixth round sa kanilang ikaapat na paghaharap noong Disyembre 8.
Nanggaling si Rios sa kabiguan matapos siyang talunin ni Mike Alvarado (34-1-0, 23 KOs) via unanimous decision sa kanilang rematch noong Marso 30.
- Latest