13 kabayo nominado sa 1st Triple Crown

MANILA, Philippines - May 13 kabayo ang nominado para tumakbo sa 1st leg ng 2013 Philracom Triple Crown Stakes race sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas sa Mayo 18.

Nangunguna sa nominadong tumakbo ay ang lahok ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos na El Libertador na sisika-ping gayahin ang nagawa ng premyadong kabayo na Hagdang Bato noong nakaraang taon na winalis ang tatlong yugtong karera tungo sa paghirang sa kabayo bilang Horse of the Year ng 2012.

Kasama rin sa ipinatala ay ang Philracom Chairman’s Cup champion Be Humble at ang stakes winner na Alta’s Finest.

Ang Hot And Spicy, Boss Jaden, Divine Eagle, Grand Strikes Girl, Ha-ring Benedict, Keep The Pledge, Pantukan, Spinning Ridge at coupled entries Captain Ball at Borj Kahlifa ang kukumpleto sa mga  nominado na tatakbo sa karera na paglalabanan sa 1,600-m distansya. (AT)

 

Show comments