^

PM Sports

Phil Jackson tinanggihan ang alok ng Nets

Pang-masa

Tinanggihan ni Phil Jackson ang alok ng Brooklyn Nets na i-coach ang koponan, ayon sa source ng Yahoo! Sports.

Kinausap ni Nets general manager Billy King si Jackson noong Martes at sinabi ng 11-time champion coach  na mas gusto niyang magtrabaho sa front office kaysa sa mag-coach sa kanyang pagbabalik sa NBA.

Pinaniniwalaang handang gawin ni Mikhail Prokhorov, ang bilyunaryong may-ari ng Nets, si  Jackson bilang highest-paid coach sa kasaysayan ng team.

Isa si Jackson sa kinokonsulta ng Detroit Pistons sa kanilang paghahanap ng coach at inaasahang tatanggap ito ng alok mula sa Toronto Raptors para magpatakbo ng organisasyon.

Hinintay muna ng Nets ang sagot ni Jackson bago simulan ang kanilang intensibong paghahanap ng bagong coach.

Natalo ang Nets sa pitong laro kontra sa Chicago Bulls sa Eastern Conference first-round series.

Ang  New York Post ang unang nagbalita ukol sa desisyon ni Jackson na tanggihan ang Nets.

BILLY KING

CHICAGO BULLS

COACH

DETROIT PISTONS

EASTERN CONFERENCE

HININTAY

ISA

MIKHAIL PROKHOROV

NEW YORK POST

TORONTO RAPTORS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with