James patuloy ang pagpupursigi sa laro

MIAMI -- Natapos na ang ensayo ng Miami Heat, at nanatili si LeBron James sa ilalim ng basket at tinutulungan sa free throws ang kanyang dalawang kakam­pi at naghihintay ng kanyang pagkakataon.

Sa kabilang dulo ng gym, umiling si Dwyane Wade habang pinapanood ang kanyang mga kakampi.

“He doesn’t - you can see him - rest on his greatness,” wika ni Wade kay James. “He continues to work at it. That’s what makes him special. He leaves nothing to chance.”

Ang formal announcement para sa pang-apat na Most Valuable Player award ni James ay nakatakda sa Linggo (US time) bago ang Eastern Conference se­mifinals kung saan makakalaban ng Heat ang Chicago Bulls.

Ang karangalan ang magsasama kay James sa gru­po nina Kareem Abdul-Jabbar, Michael Jordan, Bill Rus­sell at Wilt Chamberlain na may apat o higit pang MVP trophy.

Hinirang si James bilang MVP noong 2009, 2010 at 2012.

Sa edad na 28-anyos, patuloy pa rin ang pagsasa­nay ni James.

Kaya siya nakikipagsabayan sa shooting sa mga ka­kamping sina Ray Allen at Mario Chalmers matapos ang kanilang team practice noong Sabado, habang du­miretso naman ang iba pang Heat players sa sho­wers.

“I don’t know my ceiling,” ani James. “I don’t stop trying to improve my game - just like today, being in here with Rio and Ray, the last guys to leave the court. I want to continue to maximize what I have.”

 

Show comments