Lady Eagles, Lady Falcons nakalapit sa semis
MANILA, Philippines - Hindi nagpabaya ang nagdedepensang kamÂpeon na Ateneo at Adamson sa hamon ng mga nakatunggali upang lumapit sa isang hakbang patungo sa seÂmifinals sa pagbubukas kahapon ng Shakey’s V-League Season 10 First ConÂference kahapon sa The Arena sa San Juan CiÂty.
Kumamada si Rachel Ann Daquis matapos haÂwaÂkan ng Arellano ang 23-22 kalamangan sa ikatÂlong set patungo sa pagÂkumpleto sa 25-18, 25-17, 25-23 panalo para sa 2-0 karta sa Group I.
Inangkin ni Daquis ang huling tatlong puntos ng Lady Eagles upang maÂkumpleto ang straight set win at iangat sa 5-0 ang kabuuang karta ng koÂponan.
“Mahaba ang break naÂmin kaya ang ginawa naÂmin ay itinaas ang inÂtenÂsity sa paglalaro lalo na sa floor defense,†wika ni DaÂquis na tumapos bitbit ang 12 puntos.
Bumaba naman ang LaÂdy Chiefs sa 0-2 karta at nasayang ang pagkakaÂtaon na makaisa sa ikatlong set kung saan buÂmangon sila mula sa 1-6 iskor at nakuha ang isang puntos na kalamangan daÂhil sa over-set ni Jem FerÂrer.
Bumangon agad ang Lady Falcons sa pagkatalo sa third set upang angÂkiÂnin ang 25-21, 25-20, 23-25, 25-20 tagumpay sa San Sebastian para haÂwakan ang liderato sa Group I sa 2-0.
May 15 kills at 5 blocks patungo sa 21 puntos si Angela Benting para pangunahan ang apat na manÂlalaro ng Adamson na gumawa ng 10 puntos paÂtaas.
Nangunang muli ang leaÂding scorer ng liga na si Jeng Bualee para sa LaÂdy Stags sa kanyang 25 puntos mula sa 23 attack points at tig-isang block at service ace, pero wala siÂyang suporta lalo na sa maÂhalagang yugto ng laÂbaÂnan na nakuha ng Lady FalÂcons.
Bumaba sa 0-2 ang LaÂdy Stags at Lady Chiefs at kailangang maipanalo ang huling dalawang laro paÂtungo sa semis.
- Latest