MANILA, Philippines - Sapat ang lakas na naipakita ng kabayong MagayoÂnon para makadalawang dikit na panalo sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.
Kumarera ang kabayong hawak ni BL Valdez noÂong Abril 30 sa isang NHG Handicap race 1 sa 1,200-metrong distansya at hindi nasayang ang malaÂkas na ipinakita sa huling kurbada para maisantabi ang maÂbilis na dating ng Dugo’s Charm na hawak ni JB BaÂcaycay.
Naunang lumayo ang Tala Sa Umaga habang nasa ikaÂlimang puwesto sa alisan ang nanalong kabayo.
Nagtiyaga si Valdez sa paghabol hanggang sa maÂlagay sa ikalawang puwesto. Pagpasok sa rekta ay una na ang Magayonon, pero mainit ang pagremate ng DuÂgo’s Charm.
Ngunit hindi inabot sa meta ng naghabol na kabayo ang Magayonon para sa panalo at ikalawang dikit maÂtapos magwagi noong Abril 24 laban sa Aquarius.
Naliyamado ang Magayonon para makapagbigay ng P10.00 sa win.
Ang forecast na 1-4 ay mayroong P50.50 dibidendo sa forecast.
Nakapagpasikat uli ang Royal Fair na nagwagi rin sa ikalawang sunod na takbo sa bagong race club na pinatatakbo ng Metro Manila Turf Club Inc.
Nasilip ni jockey Mark Alvarez ang maluwag sa gitÂnang puwesto para dito idaan ang Royal Fair na naÂnalo kahit nalagay sa ikalimang puwesto sa huling kurÂbada.
Kinapos ang pagremate ng Show Master na sakay ni JA Guce, para matalo ng kalahating kabayo, habang ang Jaden’s Song ay tumapos sa pang-anim.