^

PM Sports

Magayonon nagposte ng dalawang panalo sa Turf Club

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sapat ang lakas na naipakita ng kabayong Magayo­non para makadalawang dikit na panalo sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.

Kumarera ang kabayong hawak ni BL Valdez no­ong Abril 30  sa isang NHG Handicap race 1 sa 1,200-metrong distansya at hindi nasayang ang mala­kas na ipinakita sa huling kurbada para maisantabi ang ma­bilis na dating ng Dugo’s Charm na hawak ni JB Ba­caycay.

Naunang lumayo ang Tala Sa Umaga habang nasa ika­limang puwesto sa alisan ang nanalong kabayo.

Nagtiyaga si Valdez sa paghabol hanggang sa ma­lagay sa ikalawang puwesto. Pagpasok sa rekta ay una na ang Magayonon, pero mainit ang pagremate ng Du­go’s Charm.

Ngunit hindi inabot sa meta ng naghabol na kabayo ang Magayonon para sa panalo at ikalawang dikit ma­tapos magwagi noong Abril 24 laban sa Aquarius.

Naliyamado ang Magayonon para makapagbigay ng P10.00 sa win.

Ang forecast na 1-4 ay mayroong P50.50 dibidendo sa forecast.

Nakapagpasikat uli ang Royal Fair na nagwagi rin sa ikalawang sunod na takbo sa bagong race club na pinatatakbo ng Metro Manila Turf Club Inc.

Nasilip ni jockey Mark Alvarez ang maluwag sa git­nang puwesto para dito idaan ang Royal Fair na na­nalo kahit nalagay sa ikalimang puwesto sa huling kur­bada.

Kinapos ang pagremate ng Show Master na sakay ni JA Guce, para matalo ng kalahating kabayo, habang ang Jaden’s Song ay tumapos sa pang-anim.

ABRIL

MAGAYONON

MARK ALVAREZ

METRO MANILA TURF CLUB INC

METRO TURF CLUB

ROYAL FAIR

SHOW MASTER

SHY

TALA SA UMAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with