MANILA, Philippines - Humataw ang mga gymÂnasts ng National CaÂpital Region para tulungan ang delegasyon na panguÂnahan ang paramihan ng ginto sa idinadaos na 2013 Palarong Pambansa sa Dumaguete City, Negros Oriental.
Ang NCR ay kumubÂra ng 16 ginto upang trangÂkuÂhan ang 33 ginto na kinubra na ng delegasyon matapos ang tatlong araw ng kompetisyon.
Si Regine Reynoso ang siyang nangunguna sa NCR matapos makakuha ng apat na ginto sa all-around (38.375), horse vault (12.513) at floor exerÂcise (13.05) bukod sa team gold (108.724) sa secondary girls WoÂmen’s ArÂtistic Gymnastics.
Nagwagi rin sina John Ivan Cruz sa elementary boys, CarÂlos Edriel Yulo sa seÂcondary boys at sina GiÂan Alexis Bernate sa eleÂÂmentary girls.
Nagpapasikat din ang NCR sa archery sa naliÂkom na dalawang ginto gaÂling kay Luis Gabriel MoÂreno sa 30m (341) at 40m (332) distansya.
Nanalo ang Big CiÂty sa secondary girls at eleÂmentary boys lawn tennis bukod sa secondary at eleÂmentary girls badminton.
Ang NCR ang nanguÂna sa overall meÂdal tally sa 33 ginto, 20 pilak at 11 bronze medals.