DUMAGUETE CITY, Philippines – Inangkin nina Jeremay Rubias at Renzy John GeÂmolaga ng Western ViÂsayas at Jan Resty LoÂrenzo ng National Capital Region ang unang mga gintong medalya sa pagÂsisiÂmula ng 2013 PalaÂrong Pambansa kahapon sa Gov. Mariano Perdices MeÂmorial Stadium.
Naghagis ang 15-anÂyos na si Rubias ng 39.59 metro para kunin ang gold medal sa secondary girls’ javelin throw at unguÂsan sina Rizalyn Apos (37.89m) ng Caraga at JoÂvelyn Notario (36.05m) ng Cagayan Valley.
Ito ang unang gold meÂdal ni Rubias sa natuÂrang annual multi-sports meet para sa elementaÂry at secondary athletes maÂtapos kumuha ng silver sa elementary division sa 2011 Palarong Pambansa sa Tarlac City.
Isinuko ni Rubias ang kanyang pagiging starÂting center ng Western ViÂsayas’ women’s basketball team para tutukan ang javelin.
Nagtapon ang 17-anÂyos na si Gemolaga ng 13.65m para angkinin ang ginto sa shot put event at daigin sina Central Luzon bet Bryan Jay Pacheco (13.37m) at NCR pride GarÂry Santiago (13.36m).
Kagaya ni Rubias, ito rin ang unang high school gold medal ni Gemolaga matapos kumuha ng silver sa elementary division sa Tacloban City.
Ang 15-anyos namang si Lorenzo ng NCR ang naÂngibabaw sa secondary boys long jump sa kanyang nilundag na 6.66-m paÂÂra ungusan sina RafaÂel Bueno (6.55m) ng Bicol at Lord John Roilo (6.52m) ng Davao.
Nagtala naman ng mga panalo ang NCR, CaÂlabarzon, Central VisaÂyas at WesÂtern Visayas sa basÂketball event.