Rasheed Wallace tuluyan nang nagretiro

NEW YORK -- Muling nagretiro si New York Knicks forward Rasheed Wallace sa NBA matapos ma­bigong makabalik mula sa isang left foot injury.

Tinangka ni Wallace na maglaro para sa playoffs.

Maliban kay Wallace, wala na rin sa Knicks si Kurt Thomas, habang malamya naman ang ipinapakita ni Marcus Camby at hindi pa rin tiyak kung handa na si Amare Stoudemire sa postseason dahil sa kanyang right knee surgery.

Para palakasin ang kanilang frontline, hinugot ng Knicks si Earl Barron.

Tinapos ng 38-anyos na si Wallace ang kanyang two-year retirement ngayong season nang sumali sa Knicks.

 

Show comments