MANILA, Philippines - Tinalo ng Meralco ang nawalan ng head coach na Rain or Shine, 118-116, sa overtime para makopo ang huling lugar sa Top 6 sa pagtatapos ng elimination round ng 2013 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Dahil sa panalo at pagtatapos ng Bolts sa 7-7 ay makakaharap nila ang nagdedepensang San Mig Coffee sa best-of-three quarterfinals series bukas.
Ang panalo rin ng Meralco, nakakuha ng 50 points, 14 rebounds, 4 assists at 5 steals kay import Eric Dawson, ay nalaglag sa No. 7 ang Barangay GiÂnebra at kiÂnakailangang talunin ang No. 2 Rain or Shine ng daÂlawang beses sa quarters.
Bagama’t ‘no-bearing’ ang laro para sa Elasto PainÂÂters at napatalsik ng maaga sa laro si head coach Yeng Guiao ay lumaban pa rin sila hanggang sa huli kaÂÂhit na nilamangan ng Meralco ng 19 puntos sa seÂcond quarter.
Kinapos ang tira ni Beau Belga sa pagtunog ng final buzzer para sa Rain or Shine na nakakolekta ng 31 points kay 7’3 import Bruno Sundov bukod pa ang 19 rebounds at 4 assists.
Na-thrown out si Guiao may 2:54 sa first quarter dahil sa flagrant misconduct.
Ito ang pang-pitong technical/flagÂrant violation ni Guiao ngayong confeÂrence.
Pumasok ng bahagya ng court si Guiao at binangga si Mark Cardona matapos ang opensiba ng Elasto Painters na sa tingin niya ay dapat tinawagan ng foul si Cardona sa isang rebound play nila ni Ryan Araña.
Automatic ejection ang katumbas ng flagrant misconduct.
Samantala, may trade na nakarating sa lamesa ni PBA Commissioner Chito Salud kahapon para apruÂbahan niya.
Nakuha ng Ginebra si Josh Urbiztondo mula sa Barako Bull kapalit ni rookie Keith Jensen at isang future second round pick. Nagpapalakas ang Gin Kings para sa playoffs at ngayong alas-5 ng hapon ang deadline para sa mga pagbabago ng mga lineups ng mga koponang maglalaro sa playoffs.
Kung maaaprubahan ni Salud ay malilipat ng kopoÂnan si Urbiztondo sa loob ng pitong buwan. Ang nakaraan ay nang mapunta siya sa Energy Cola mula B-Meg mula sa isang three-way trade na kinasangkutan din ng Petron Blaze at ni Wesley Gonzales.
Meralco 118 - Dawson 50, Cardona 19, Reyes 10, Hugnatan 10, Manuel 9, Buenafe 6, Artadi 6, Salvacion 5, Hodge 3, Ross 0.
Rain or Shine 116 - Sundov 31, Chan 18, Lee 16, Norwood 16, Tiu 11, Cruz 9, Araña 5, Rodriguez 4, Ibanes 4, Matias 2, Belga 0, Quiñahan 0.
Quarterscores: 34-26; 62-48; 86-80; 110-110; 118-116 (OT)