SMBeer tangka ang ika-9 sunod na panalo
LARO NGAYON (Ho Chi Minh City, Vietnam)
7:30 p.m. SMBeer vs Saigon Heat
MANILA, Philippines - Inaasahang magiging madali para sa San Miguel Beer ang tangkang ikasiyam na sunod na panalo sa pakikipagharap sa Saigon Heat sa Asean Basketball League (ABL) ngayong gabi sa Tan Bihn Stadium sa Ho Chi Minh City, Vietnam.
Tataglayin ng Beermen ang malaking bentahe dahil lalaro ang Heat (3-11) na wala ang kanilang import na si David Palmer na nasuspindi dahil sa pakikipaggirian kay Slammers import Christien Charles sa kanilang 90-75 pagkatalo sa Sports Rev Thailand Slammers kamakailan.
“We have an advantage in tonight’s game, but we have to be extra cautious. We should not be complacent about the other team having only one American import,†sabi ni coach Leo Austria ng San Miguel na nangunguna na ngayon sa liga sa taglay na 11-3 record kasunod ang Indonesia na hindi nalalayo sa 12-4 karta. “We have to play our game and remember the things that have sustained our winning run so far.â€
Sa alas-8:30 ng gabing laro (7:30 p.m. sa Manila), hindi makakaasa si Austria kina JR Cawaling at Erik Menk na parehong may minor injuries.
“With our streak, I have the luxury of giving more minutes to my bench players. This is to give them confidence since I might need them in the playoffs,†ani Austria na nagsabing napakinabangan naman niya si Hans Thiele sa laban kontra sa Singapore kung saan nagtala ito ng kabuuang 11 points at 4 rebounds sa 19 minutong paglalaro.
“Hans will be very important for us if we want to use a bigger frontline in the playoffs,â€wika ni Austriana pa-tuloy na sasandal kina Brian Williams, Justin Williams,, Asi Taulava, Chris Banchero at Leo Avenido para ma-nguna sa Beermen.
Sa pagkawala ni Palmer, sasandal ang Heat kina Dior Lowhorn, Al Vergara, Chris Sumalinog at Pinoy player na si Jai Reyes.
- Latest