Wade plano nang lumaro kontra sa Boston

MIAMI – Planong magbalik-laro ni Dwyane Wade sa  Miami Heat nitong Biyernes matapos mawala ng anim na sunod na laro dahil sa pamamaga ng kanang tuhod.

Sinabi ni Wade na maayos na ang kanyang tuhod at puwede na niyang ilaro kontra sa  Boston Celtics at kontra sa Chicago Bulls nitong Linggo.

“I’m feeling good,’’ ani Wade. “The toughest part is mentally more so than physically. I played two weeks with it and eventually I felt it getting a little worse and I said, ‘OK, I’ve got to shut it down.’’’

Nagkaroon din si Wade ng twisted ankle ilang linggo na ang nakakaraan ngunit mas nag-concentrate sa injury sa tuhod.

Natuklasan ng mga doctor ang tatlong  hiwa-hiwalay na bone bruises sa palibot ng kanyang kneecap ngunit sinabi ni Wade na nagamot na ang mga problema.

Inilista ng Heat sina Wade, LeBron James at Chris Bosh sa day-to-day status. Sina Wade at James ay nagworkout lang nitong Huwebes at nagpa-treatment. Si James ay may right hamstring strain kaya hindi ito nakalaro ng apat sa huling 6-games ng  Miami.

Show comments