World Peace handa nang maglaro sa Lakers

EL SEGUNDO, Calif. -- Plano ni Metta World Peace na maglaro sa susunod na laban ng Los Angeles La­kers, dalawang linggo matapos sumailalim sa isang left knee surgery.

Sumali si World Peace sa drills ng Lakers noong Lu­nes.

Sinabi ng veteran forward na handa na siyang mag­laro.

Haharapin ng Lakers (40-37) ang bisitang New Or­leans Hornets sa Martes ng gabi.

“We’ve got a chance to make a push for this championship run,” wika niWorld Peace matapos ang ka­nilang team practice sa Lakers’ training complex. “We all need it. All the guys under contract, injured or not injured, we all need each other to make a run at this thing.”

Hinahabol ng Lakers ang Utah Jazz (41-37) para sa pang walong postseason spot sa Western Confe­rence.

At hawak ng Jazz ang tiebreaker laban sa Lakers.

Hindi naglaro si World Peace sa anim na asignatu­ra ng Lakers dahil sa kanyang injury.

Kahit na maglaro si World Peace, muli namang uupo si Lakers point guard Steve Nash sa kanyang ika­apat na sunod na laro dahil sa kanyang hamstring in­jury.

Halos dalawang buwang hindi nakapaglaro ang 39-anyos na si Nash ngayong season dahil sa kanyang in­jury sa kaliwang binti.

Show comments