MANILA, Philippines - Huling nanalo ng pitong sunod na laro ang BaÂrangay Ginebra noong 2008 PBA Fiesta ConfeÂrence.
Ito na rin ang huli niÂlang conference na nagÂwaÂgi ng kampeonato, baÂgay na nagbibigay pag-asa sa kanilang milÂyung-milyong tagahanga na baka may magandang kapalarang naghihintay sa kanila sa kasalukuÂyang 2013 PBA Commissioner’s Cup kung saan nakakaanim na sunod na panalo na ang Kings.
Pero ang nakaabang sa Barangay Ginebra ngaÂyon ay ang bumabandeÂrang Alaska na hangad ang isang pormal na ‘twice-to-beat’ adÂvantage sa quarterfinals sa kaÂnilang pang-alas-7:30 ng gaÂbing paghaharap sa Smart Araneta Coliseum.
Parehong sigurado na sa quarterfinals ang Aces at Kings sa kanilang 9-3 at 7-5 na panalo-talo karta, ayon sa pagkakasunod at ‘twice-to- beat’ advantage naman sa first round ng playoffs ang kanilang amÂbisyon.
Sa alas-5:15 ng hapon ang laban ng San Mig CofÂfee (6-6) at Air21 (5-7) kung saan hangad naman ng Mixers ang isang pormal na lugar sa quarterfinals at nais naman ng Express na mapalapit dito sabay magkaroon ng isa’t kalahating laro na kalaÂmangan sa Barako Bull (4-8) sa kanilang pumuÂporÂmang huling laban paÂra sa pang-walo at huÂling luÂgar sa eliminations.
Nasa homestretch na ang elims ng second conference ng liga kung saan 10 sampung laro na lamang ang natitira paÂra malaman kung alin ang walong koponang aaÂbante sa quarterfinals at aling dalawa ang maagang magbabakasyon.
Katulad ng Alaska at Barangay Ginebra, siÂgurado na ring pasok sa quarterfinals ang Rain or Shine (8-4) at Petron Blaze (7-5).
Bagama’t nasa piÂnaÂkamahabang winning streak ng kahit anong koÂponan ngayong confeÂrence – naitala ng Kings baÂgama’t may injuries sina Mark Caguioa, Kerby Raymundo at Rico Maierhofer – walang ibang iniisip si Kings’ head coach Alfrancis Chua kundi ang susunod nilang laban kontra Alaska.
“Hindi ko na iniisip na pagkatapos nito may ilang games pa kami. InaÂalis ko yung schedule sa amin eh. Basta focus lang kami sa next game. Kung mananalo kami sa last two games namin, bakit hindi pero basta ‘yung next game lang namin ang iniisip namin,†ani Chua matapos ang Alaska ay Talk ‘N Text sa linggo ang magiging laro.
Basta ngayon ay masaÂya si Chua sa nakiÂkita niya sa kanyang mga plaÂyers at umaasang magÂÂÂÂtutuluy-tuloy ang kaÂniÂÂlang magandang ipinaÂpaÂÂkita.
“They’re really working as a family now. They’re not working as teammates anymore. LaÂhat nagtutulungan talaga. Iba talaga ang nilalaro ng mga bata,†wika ni Chua, na haÂngad ang unang kampeonato sa PBA mula nang unang maging head coach sa liga noong 1999 para sa koponan ng Tanduay Gold Rhum.