Davis Cup, Fil-Oil Flying V Premier Cup tatalakayin sa PSA Forum ngayon

MANILA, Philippines - Ang matagumpay na Philippine Davis Cup team at ang nalalapit na Fil-Oil Flying V Premier Cup pre-season ang pag-uusapan ngayon sa special session ng PSA Forum sa Shakey’s Malate.

Pangungunahan ni Team captain Roland Kraut  kasama ang mga players na sina Ruben Gonzales at Johnny Arcilla ang Davis Cup team na kagagaling lang sa 4-1 panalo kontra sa Thailand, sa public sports program na hatid ng Shakey’s katulong ang Philippine Amusements and Gaming Corporation para talakayin ang kanilang susunod na laban kontra sa  New Zealand sa Asia-Oceania Group II tie.

Tatalakayin naman ni Fil-Oil Flying V Sports general manager Joey Guil-lermo ang pagtatanghal ng Fil-Oil Flying V Premier Cup pre-season ngayon na bubuksan sa April 13 na magsisilbing summer tournament  ng iba’t ibang collegiate leagues sa bansa.

Show comments