Win No. 4 target ng Cagayan Valley laban sa mapanganib na Big Chill

MANILA, Philippines - Makikigulo ang Caga­yan Valley sa mga nasa unahan sa pagharap sa Big Chill sa PBA D-League Foundation Cup nga­yon sa The Arena sa San Juan City.

Ang paghablot ng ika­apat na sunod na pana­lo ng Rising Suns ang mag­reresulta para saluhan nila ang mga nangungunang Café France at Blackwater Sports sa 4-1  baraha.

Itinakda ang laro sa ga­nap na alas-12 ng tangha­li at sakaling magawa ito ng tropa ni coach Alvin Pua ay mapapantayan din nila ang pinakamahabang winning streak sa liga na hawak ng Bakers.

“Inspirado ang mga ba­ta kaya maganda ang iti­natakbo ng team. Sana la­ging nakatuon ang  ka­nilang isipan sa laro, lalo sa Big Chill na gustong bu­mawi mula sa pagkata­lo,” wika ni Pua.

May 2-2 baraha ang Su­perchargers, pero hindi maganda ang kinalabasan ng huling laro matapos isu­ko ang 75-80 pagkatalo sa Café France.

Si Eliud Poligrates ay  nagtala ng career-high na 29 puntos nang wa­ka­san ng Cagayan ang tatlong sunod na panalo ng Fruitas, 80-74.

Ikaapat na panalo rin ang pagtutuunan ng Ce­bu­ana Lhuillier at Boracay Rum.

Ang Gems na dinurog ang Hog’s Breath, 84-62, ay haharap sa Informa­tics sa alas-2 kasunod ang laro ng Waves at Razor-backs sa alas-4.

Show comments