Galinari out na sa huling bahagi ng season

DENVER -- Maglalaro ang Denver Nuggets sa huling bahagi ng season na wala si forward Danilo Gallinari matapos mapunit ang kanyang ACL sa kanilang laro kontra sa Dallas Mavericks kamakailan.

Sinabi ng Nuggets na nakita sa MRI  ang napinsalang litid ni Gallinari na nakatakdang sumailalim sa isang season-ending surgery.

“We’re extremely disappointed for Gallo. He was having a career year in scoring and rebounding and was a huge reason for our success,’’ sabi ni Masai Ujiri, ang Nuggets executive vice president of basketball operations. “We will obviously support him and be there for him throughout his recovery.”

Naitukod ni Gallinari ang kanyang kaliwang binti para sa kanyang layup sa first half sa 95-94 paglusot ng Denver laban sa Dallas noong Huwebes ng gabi para sa kanilang ika-19 sunod na panalo sa kanilang tahanan.

Umalog ang kanyang kaliwang tuhod at bumagsak at nagsisigaw sa sakit.

Kaagad siyang isinailalim ng Nuggets sa isang MRI noong Biyernes at nakumpirmang may napunit siyang ACL.

 

Show comments