Dawson diniskaril ang debut ni Sims Bolts nanaig sa Petron
MANILA, Philippines - Nagtala ng 57 puntos si Meralco import Eric Dawson, ang pinakamataas na naiskor sa liga ng isang player sa loob ng halos siyam na taon, para pagbida-han ang 102-92 panalo ng Bolts kontra sa Petron Blaze sa pagpapatuloy ng PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Naka-20-of-34 (o 59%) mula sa field at 17-of-22 (o 77%) sa kanyang free throws sa 40 minutong paglalaro si Dawson para magtala ng pinakamataas na produksiyon sa isang laro mula nang maka-57 si Derek Brown para sa Sta. Lucia sa 120-99 pagkatalo sa San Miguel Beer noong 2004 Fiesta Conference.
Dahil sa panalo ay sumosyo sa pangatlong puwesto ang Bolts sa kanilang 6-5 karta sa Barangay Ginebra at Boosters, sa likod lamang ng parehong 8-3 record ng mga bumabanderang Alaska at Rain or Shine na naglalaro pa sa second game habang sinusulat ang balitang ito.
“Fantastic game. I’m amazed. I haven’t seen anything like it for a long long time,†pahayag ni Meralco head coach Ryan Gregorio. “I thought Petron did their job defensively... but Eric was on fire.... he brought us on his shoulders.â€
Dahil kay Dawson at sa panalo ng Bolts ay hindi naging maganda ang PBA debut ng bagong Petron import na si Henry Sims pero nanguna pa rin ito para sa Boosters sa kanyang naitalang 23 puntos at 13 rebounds bagamat naka-pitong puntos lamang ito sa buong second half.
Samantala, pipiliting bumalik sa tamang landas ng Talk ‘N Text at Globalport sa kanilang paghaharap ngayon sa pagbabalik ng liga sa Iloilo City pagkatapos ng mahigit walong taon.
Maghaharap ang Tropang Texters at Batang Pier sa alas-6:30 ng gabi sa huling laro ng Phoenix Fuel-PBA On Tour sa elimination round.
Balak bumawi ng Talk ‘N Text na natalo sa hu-ling dalawang laro.
- Latest