MANILA, Philippines - Nakita uli ang ba-ngis ng takbo ng Hari Ng Yambo nang hiyain ang mga nakalaban noong Miyerkules ng gabi sa Metro Turf Club sa Malvar, Batangas.
Nalagay sa malayong pangatlong puwesto sa alisan hanggang sa kalagitnaan ng karera dahil sa mainit na pag-arangkada ng Kristal's Beauty at Mika Mika Mika, nagsimulang kumamada ang kabayong sakay ni JA Guce sa huling 600-metro sa 1,400-m class division 8-9 karera.
Malakas ang pag-arangkada ng leg winner ng Triple Crown at sa hu-ling 300-metro ng karera ay nasa unahan na.
Gamit ang balya ay iniwan na ng Hari Ng Yambo ang mga kalaban tungo sa solong pagtawid sa meta.
Ang win ng nanalong kabayo ay nagbigay ng P7.00 habang ang 1-7 forecast ay may P15.00 dibidendo.
Kondisyon naman ang Cookis Lady na lumabas bilang pinakadehadong kabayo na nanalo sa siyam na karerang pinaglabanan.
Si Fernando Raquel ang hinete ng nanalong kabayo na naisantabi ang hamong ibinigay ng Outstanding at Serenata sa 1,400m Handicap Race.
Naubos ang Outstanding na hawak ni Rodeo Fernandez at nalagay sa ikalawang puwesto ang Serenata na ginabayan ni Jonathan Fernandez.
Ang di napaborang kabayo ay naghatid ng P49.00 sa win habang ang 1-7 forecast ay may P364.50 dibidendo.