MANILA, Philippines - Si Bobby Parks na si-guro ang isa sa mahusay na player na hindi naka-laro sa NBA.
Muntik na siyang makapasok sa Atlanta Hawks lineup noong 1984-85 ngunit siya ang huling na-cut ni coach Mike Fratello bago nagsimula ang regular season.
Nakapaglaro si Parks sa Hawks sa preseason bago naging third round pick noong 1984 draft kung saan napili rin sina Hakeem Olajuwon, Michael Jordan, Charles Barkley at John Stockton.
Siya ang 58th sa 228 players na nakuha sa loob ng 10 rounds at naunahan pa niya sina Rick Carlisle, Eddie Wilkins, Ken Bannister at Oscar Schmidt.
Noong Sabado, yumao si Parks sa edad na 51 sa San Juan De Dios hospital kung saan na-confine siya ng 11 araw sa intensive care unit. Naospital pa siya sa St. Luke’s Medical Center sa Global City ng isang buwan bago umuwi at tumagal sa bahay ng dalawang linggo bago na-confine uli sa San Juan De Dios.
Sinabi ng asawa ni Parks na si Jasmine na ike-cremate ang mga labi ni Parks. Nagpulong ang buong pamilya kahapon para pag-usapan ang libing.
Ang unang asawa ni Parks na si Zhaine Barbosa at anak na si Celine Ira, 17-gulang ay duma-ting mula sa Los Angeles noong isang araw. Si Zhaine ang nanay ni NU star Bobby Ray. May isa pang anak si Parks na si Montell o Summer, 13 kay Jasmine.