Reyes mamumuno sa summer camps

MANILA, Philippines - Pamumunuan ni Elmer Reyes, isang seven-season PBA veteranat  ilang beses naging miyembro ng National Team at ama ni Alaska rookie Raffy Reyes, ang pagsisimula ng mga basketball summer camps sa Metro Manila at Southern Luzon ng Integrated Sports Learning Academy (ISLA) Basketball Sports Prog­ram bukas (Abril 1).

Magkakaroon ng mga two-hour at thrice-a-week camps sa tatlong divisions – ang basic, advanced at competitive – sa mga venues sa Manila (YMCA ma­lapit sa SM Manila), Pasay City (Southeastern College), Las Piñas (Cittadela Village) at sa Laguna (Do­minican College) sa ilalim ni Reyes na naging ba­hagi ng Grand Slam ng San Miguel Beermen sa PBA no­ong 1989.

Magsisimula din ang mga taekwondo summer camps ng I.S.L.A. sa ilalim ni Johanna Lacsamana–Ochoa, isang certified Philippine Taekwondo Association instructor at referee, sa parehong mga venues.

Para sa mga karagdagan detalye ay maaaring tu­ma­­wag sa (02) 340.4762, (02) 389.1388, (0922) 880.7946 at hanapin si Nicko Isla.

Show comments