Matapos maghari sa AFC Challenge Cup Group E Qualifiers Azkals preparado sa main draw

MANILA, Philippines - Handa na ang Pilipinas para harapin ang mas ma­lalaking hamon sa la­rong football.

Ito ang binigkas ni team manager Dan Pala­mi matapos kunin ng Az­kals ang 1-0 panalo laban sa Turkmenistan para pag­harian ang 2014 AFC Challenge Cup Group E Qualifiers na idinaos sa Ri­zal Memorial Football Stadium.

“This is the first set. The next step is the main draw and we hope to con­tinue the momentum bea­ting the runners-up last time. Beating them at home is the biggest thing for us,” wika ni Palami.

Ito ang unang pagkakataon sa tatlong paghaharap na nanalo ang Pilipinas sa Turkmenistan at ibinaon din sa limot ng Azkals ang 1-2 kabiguan sa Turkmen sa semifinals noong 2012 Challenge Cup sa Nepal.

Tinapos ng Azkals ang kompetisyon bitbit ang 3-0 karta at 12 goal dif­ference upang umabante sa ikalawang sunod na pagkakataon sa Challenge Cup na gagawin sa Mal­dives.

Walong bansa ang ka­­sali bukod sa Natio­nals at host Maldives, mag­la­la­ro rin ang Turkme­nistan, Bangladesh, Af­ghanistan, Myanmar, Pa­lestine at Kyrgyzstan.

Ipinapalagay na magiging paborito ang Azkals dahil sa dominanteng laro na ipinakita sa na­tapos na kompetisyon, ba­gay na ayaw itanim sa isi­pan ni Palami.

“We always try to keep our expectations low, but certainly, we will still be the underdog,” pa­ha­yag nito.

Pero hindi na makaka­tiyak ang mga makakala­ban ng panalo dahil du­ma­ting na ang Azkals sa puntong kayang talunin ang kahit na anong bansa ang makaharap.

“I think we are at a le­vel where we can actual­ly say we will always have that fighting chance to win the game. We have that good chance of ma­king that giant leap to the Asian Cup,” pahabol ni Pa­lami.

Ang naglarong kopo­nan ang itinuturing bilang pinakamabangis na foot­ball team na nabuo sa bansa dahil nagkasama ang mga batikang Fil-Fo­reigners sa pa­mumuno ni­na Stephan Schrock, Ro­­land Muller, Den­nis Ca­­gara at baguhang si Javier Patiño.

Show comments