Nowitzki nagbida sa Mavs laban sa Clippers sa OT
DALLAS -- Umiskor ng panalo ang Dallas MaveÂricks sa isa sa apat na bigating koponan patuÂngo sa WesÂtern ConfeÂrence Playoffs.
Kumolekta si Dirk NoÂÂwitzki ng season-high na 33 points, kasama diÂto ang unang walo sa overÂtime, para igiya ang MaveÂricks sa 109-102 paÂnalo kontra sa Los Angeles Clippers noong Martes ng gabi.
Nasa likod ng Los AnÂÂgeles Lakers ang MaveÂricks paÂra sa huling playÂoff spot sa Western ConÂference kung saan may 11 pang laro ang naÂtitira.
Ito ang pang-siyam na tagumpay ng Dallas sa kaÂÂnilang huling 12 asigÂnaÂtura.
“We’ve fought an upÂhill battle all season long,†wiÂka ni Nowitzki na humakot din ng 9 rebounds. “HoÂnestÂly, we’re plaÂying the best basketball we have all season. So we gotta keep this momentum going.â€
Dinuplika naman ni Chris Paul ang proÂduksyon ni NoÂwitzki para sa Clippers, hindi nakaiskor sa huling apat na miÂnuto sa overtime.
Nauwi ang laro sa overÂtime matapos ang maÂgulong huling limang segundo sa regulation period.
Tumipa ng isang go-ahead layup si Paul para sa ClipÂpers na sinagot ng basket ni O.J. Mayo sa paÂnig ng Mavericks para sa 97-97 pagtatabla sa nalalabing 0.6 segundo.
Bagama’t sumenyas si coach Vinny Del Negro ng timeout, hindi ito sinuÂnod ng Clippers.
Inilagay ni NowitzÂki ang Dallas sa unahan, 101-100, mula sa kanyang jumper.
Huling nakaiskor ang Clippers sa 4:10 mula sa isang free throw ni DeAndre Jordan.
Kapos ang tirada ni Matt Barnes para sa Clippers sa 3-point line sa huÂling 22 segundo.
Sa Boston, kumabig si J.R. Smith ng 32 points mula sa bench at umiskor si Carmelo Anthony ng 29 para igiya ang New York Knicks sa 100-85 paÂnalo laban sa Boston CelÂtics.
Sa Detroit, tinalo ng Minnesota Timberwolves ang Pistons, 105-82.
- Latest