Boom Boom Bautista magdedepensa ng titulo
CEBU City , Philippines – Ibibigay lahat ni Rey ‘Boom Boom’ Bautista ang kanyang lakas sa kanyang pagdedepensa ng titulo laban kay Josel Ramirez ng Mexico sa susunod na buwan para sa kanyang hangaring lumabang muli para sa world title.
“Against Ramirez, we would like to see if Boom Boom is ready for another world title shot,†sabi ni ALA Promotions president at CEO Michael Aldeguer.
Ang huling laban ni Bautista ay kontra kay Daniel Diaz sa Manila, limang buwan na ang nakakaraan kung saan nanalo siya ng split decision.
Nakatakdang idepensa ni Bautista, may 34-2 record, kabilang ang 25 KOs, ang kanyang WBO International featherweight title kontra kay RamÃrez (24-3, 15 KOs) sa main event ng Pinoy Pride XIX-Mexican Invasion fightcard sa April 20 sa University of Southeastern Philippines (USEP) Gym sa Davao City.
Matapos ang masaklap na first round knockout kontra kay Daniel Ponce de Leon ng Mexico sa kanyang unang world championship bout noong Aug. 11, 2007 sa Arco Arena sa Sacramento, California, ang 23-gulang na si Bautista ay isang beses pa lang natatalo sa isang dosenang laban.
Ang tubong Candijay, Bohol ay kasalukuyang nasa eight-fight winning streak, ngunit sa tingin ni Aldeguer kailangan pang magpakita ng matibay na ebidensiya ni Bautista na siya ay lehitimong world title contender.
Sa supporting main event ng pinakamalaking paboksing sa Mindanao, makakaharap ni OPBF flyweight champion Rocky ‘The Road Warrior’ Fuentes (34-6-2, 20KOs) si Mexican Juan ‘Loquito’ Kantun (20-3-3, 15KOs) sa 10-round rumble.
- Latest