MANILA, Philippines - Dalawa pang kabayo na posibleng maging paÂlaÂban para sa 2013 Philracom Triple Crown Championship ang masisilayan sa aksyon ngayong hapon sa Santa Ana Park sa NaÂic, Cavite.
Ang Boss Jaden at EuÂrasian na hinirang bilang pinakamahusay na 2-Year Old colts at filly noong naÂkaraang taon, ang magÂsusukatan sa pitong kaÂbayong karera sa 3YO Class Division 5-4.
Unang karera ito sa programa at ang iba pang kaÂsali ay ang Nurture NaÂture, Leonor, Bossing Ethan, Golden Rule at HoÂnour Class na magbaÂbalikatan sa maigsing distansya na 1,100 meters.
Unang opisyal na takÂbo ito ng Eurasian, haÂhaÂwakan pa rin ni Jeff ZaÂÂrate na binigyan ng 55 kiÂlos handicap weight.
Sa kabilang banda, ang Boss Jaden ang magtataglay ng pinakamabigat na handicap weight sa mga tatakbo na inilagay sa 56 kilos.
Ikalawang takbo ito sa taon ng kabayong gagabayan ni JB Bacaycay at nais ng tambalan na makakubra ng unang panalo bilang isang tatlong taong kabayo.
Lumahok ang Boss Jaden sa Philracom MaÂyor Nemesio Yabut II noÂong Enero 6 at tumapos laÂmang ang kabayo sa pang-apat na puwesto sa kaÂrerang dinomina ng Be Humble.