Miami dumiretso sa ika-25 sunod na panalo

MIAMI -- Siniwkat ng Miami Heat ang kanilang pang-25 sunod na ratsada nang resbakan ang Detroit Pistons, 103-89, noong Biyernes ng gabi.

Nagposte si LeBron James ng 29 points, habang umiskor ng 19 si Dwyane Wade para sa tagumpay ng Heat.

Bumangon ang Miami mula sa isang 11-point de­ficit sa  first half para makadikit sa 33 sunod na arangkada ng Los Angeles Lakers na nangyari noong 1971-1972 season.

Ito rin ang pang-16 sunod na panalo ng Heat sa ka­nilang tahanan.

“We don’t get caught up in things like that, sa­ying that we’re untouchable,” sabi ni James, humakot din ng 8 assists at 8 rebounds. “We know we can be beat by anybody, any night, if we don’t come in with the mindset to play our game.”

Nagmula din ang Heat sa pagbabalik mula sa isang 17-point deficit bago igupo ang Boston Celtics.

Bumangon naman ang Miami galing sa isang  27-point deficit sa second half upang takasan ang Cleveland Cavaliers.

Tatlong panalo na lamang ang kailangan ng Heat para makamit ang No. 1 seeding sa Eastern Confe­rence.

Nagtala naman si Greg Monroe ng 23 points at 15 rebounds para sa Detroit, nalasap ang kanilang ika-10 sunod na kamalasan.

Nagdagdag si Jose Calderon ng 18 points at 7 assists, habang may 18 points at 8 rebounds si Kyle Singler.

Sa San Antonio, tinalo ng Spurs ang Utah Jazz sa overtime, 104-97, kasabay ng pagbabalik ni All-Star pointguard Tony Parker.

Umiskor si Parker ng 22 points sa kanyang pagbabalik matapos ang pamamahinga ng walong laro.

Nagdagdag si Tim Duncan ng 19 points at 16 rebounds para sa San Antonio.

 

Show comments