^

PM Sports

Morales pinatawan ng 2-year ban ng USADA

Pang-masa

LOS ANGELES -- Positibo sa paggamit ng banned substance si dating world boxing champion Erik Morales ng Mexico.

Ito ang inihayag ng US Anti-Doping Agency (USADA).

Nanggaling si Morales sa kabiguan kay American light welterweight titlist Danny Garcia noong Oktubre.

Dahil dito, pinatawan si Morales ng isang two-year ban.

Positibo ang 36-anyos na Mexican fighter sa paggamit ng banned anabolic agent na Clenbuterol sa isinagawang out-of-competition urine tests noong Oktubre 3 at 10 na ginawa sa Mexico.

Pinabagsak ni Garcia si Morales sa fourth round noong Oktubre 20 sa New York para mapanatiling suot ang kanyang World Boxing Association at World Boxing Council light welterweight titles.

Nakatakdang magdepensa si Garcia laban kay Zab Judah sa Abril.

Tatlo sa apat na laban ang naipatalo ni Morales, may 52-9-0 win-loss-draw ring record kasama ang 36 knockouts.

ABRIL

ANTI-DOPING AGENCY

DANNY GARCIA

ERIK MORALES

GARCIA

NEW YORK

OKTUBRE

POSITIBO

WORLD BOXING ASSOCIATION

WORLD BOXING COUNCIL

ZAB JUDAH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with