MANILA, Philippines - Nailista ng kabayong Sharpshooter ang unang panalo matapos kakitaan ng ibayong tulin sa nilahukang karera noong Huwebes ng gabi sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.
Si Rodeo Fernandez ang sakay na hinete ng kabayo na noong Marso 13 ay sumabak sa novato race at puÂmangalawa sa datingan sa pagdadala naman ni jockey RC Tanagon.
Sinabayan kaagad ng Sharpshooter ang maagang pag-alagwa ng Jenny’s Cat ni Jessie Guce bago nilamÂpasan ang huli pagpasok sa huling kurbada.
Mula rito ay iniwan na ng Sharpshooter ang kalaban para sa halos limang dipang panalo.
Nakaremate rin ang Lebron para makuha ang ikalaÂwang puwesto, habang ang Jenny’s Cat ay tumapos lamang sa ikalimang puwesto.
Patok ang Sharpshooter at naghatid ng P8.00 sa win, habang P50.00 ang ibinigay sa 8-9 forecast.
Ang pinakapatok na kabayo na nanalo sa gabi sa bakuran ng Philippine Racing Club Inc., ay Ang Ating Galing na tumakbo sa Handicap 3 race.
Kondisyon ang kabayong sakay ni JV Ponce patuÂngo sa banderang tapos na panalo sa 1,300-metrong disÂtansya.
May mga dehadong kaÂbayo na nakalusot din at tampok na kabayo na di piÂnaboran ay ang Tough Guy na nangibabaw sa class division 2 karera sa 1,300m distansya.
Naipakita ang tikas ng Tough Guy nang hindi maÂubos sa datingan para maÂhigitan ang pang-apat na puwestong pagtatapos na naitala noong Marso 12 sa pagdala ng regular na hineteng si RR CamaÂñero.
Si KS Bergancia ang hiÂnete ngayon ng kabayo at nalagay muna ang Tough Guy sa ikapitong puÂwesto sa 10 naglaban.
Sa back stretch ay iniÂlabas ng hinete ang Tough Guy at mula rito ay hiÂnaÂtaw ng hinataw ang kaÂbayo tungo sa panalo.
Nagpamahagi ng P136.50 dibidendo sa win ang di inaasahang panalo, haÂbang ang pagpangalawa ng Touch Of Gold ni Esteban de Vera ay naghatid ng P579.00 dibidendo sa 4-6 forecast.