^

PM Sports

Maconocido iginiya ang Cafe France

AT - Pang-masa

Laro bukas

(Ynares Sports Arena,

Pasig City)

12 n.n. – Cebuana Lhuillier vs NLEX

2 p.m. – Fruitas Shakers

vs Blackwater Sports

4 p.m. – EA Regen Med vs Hogs Breath Café

 

MANILA, Philippines - Gumawa ng walong puntos sa extension si Raymund Maconocido para igiya ang Café France sa 84-77 overtime panalo laban sa Informatics sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Lumamang ng 11 puntos ang Icons sa huling yugto pero nakabangon ang Bakers nang limita-han lamang ang katunggali sa isang field goal.

“Kulang pa kami sa chemistry pero hindi kami kapos sa puso dahil ito ang nagpanalo sa amin,” wika ni Bakers coach Edgar Macaraya na naitabla ang karta matapos ang dalawang laro.

Si Maconocido ay tumapos bitbit ang 16 puntos habang sina Ma-rion Magat Mike, Parala at Jens Knuttel ay naghatid ng 15, 14 at 14 puntos.

Ang sentrong si Parala ay humablot din ng 15 rebounds para ibigay sa Café France ang 65-50 bentahe sa rebounding tungo sa 20-6 kalamangan sa second chance points.

Pinaulanan naman ng Boracay Rum ang Jumbo Plastic ng 28 puntos sa ikatlong yugto upang katampukan ang 87-67 panalo sa ikalawang laro.

Angat ang rookie team na Giants ng isang puntos sa halftime, 37-38, nang mag-init si Jeff Viernes, na may siyam na puntos sa ikatlong yugto upang umabante ang Waves sa 63-50.

Ikalawang sunod na panalo sa tatlong laro ng tropa ni coach Lawrence Chongson para hawakan ang ikatlong puwesto sa 12-koponang liga.

“Wala pa kaming napapatunayan at masusukat ang team sa pagbangga sa Big Chill na susunod naming laro,” wika ni Chongson.

vuukle comment

BIG CHILL

BLACKWATER SPORTS

BORACAY RUM

CEBUANA LHUILLIER

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

EDGAR MACARAYA

FRUITAS SHAKERS

HOGS BREATH CAF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with