Manila Bay Seasports Festival hahataw na ngayon

MANILA, Philippines - Magsisimula na nga-yong alas-8 ng umaga ang Manila Bay Seasports Festival na gaganapin sa may Baywalk sa Roxas Blvd. sa tapat ng Raja Sulayman Park.

Tampok sa nasabing event ang dragon boat ra-cing na lalahukan ng mga lokal na Olympic rowers, Southeast Asian at Asian Games medalists, National rowers at mga kasapi ng Philippine Team training pool.

Tampok din ang labanan sa stock at fomula races ng bancathon.

Ang dalawang araw ng sportsfest ay magtatapos sa gagawing awards night at magkakaroon din ng live concert na pangungunahan ng grupong 6-Part Invention kasama ang Go Girls at ang dating FHM Girlfriend of the Month na si Alexis Navarro.

Ang naturang sports festival ay inorganisa ng Manila Broadcasting Company, Star City at Lungsod ng Maynila sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard at suportado ng Caltex, Ginebra San Miguel, Everready, Social Security System, My Juiz, Cobra Energy Drink, M. Lhuillier, Silka Papaya Soap, Manila Ocean Park at Cord Marine Epoxy.

 

 

Show comments