^

PM Sports

Manila Invit’l, Luzvimin series Kasado na

POINT GUARD - Joey Villar, Nelson Beltran - Pang-masa

Bukod sa 2013 PBA All-Star Game, naikasa na rin ng PBA ang Manila Invitationals sa Hunyo at ang ‘Luzvimin’ series sa Hulyo na pawang lalaruan ng Gilas Pilipinas bilang parte ng kanilang preparasyon para sa FIBA Asia Championships sa Agosto.

Naitakda na sa June 26-30 ang Manila Invitationals at sa July 23-30 naman ang Luzon-Visayas-Mindanao tour ng National team.

Unang binigyan ng imbitasyon para sa Manila Invitationals ang New Zealand at Qatar. At ang pangatlong team sana ay ang magiging kampeon sa kasalukuyang PBA Commissioner’s Cup.

Ngunit di pinalad ang PBA na mapatango ang New Zealand at Qatar dahil sa prior commitments ng dala-wang National squads.

Sa halip, Lebanon, South Korea at Japan na ang target ng PBA na makipagbakbakan sa Gilas Pilipinas sa isang maigsing tune-up tourney.

Minabuti rin ng PBA na ang Gilas Pilipinas na lang ang local team na lumaro sa invitationals.

“Katatapos pa lang kasi ng second conference natin noon. At paano kung Talk ‘N Text ang mag-champion? Mawawalan sila ng players dahil pito sa kanila (Kelly Williams, Ranidel de Ocampo, Jayson Castro, Jimmy Alapag, Larry Fonacier, Ryan Reyes at Jared Dillinger) ay miyembro ng National pool,” ani PBA media bureau chief Willie Marcial.

Lalaruin either sa Smart Araneta Coliseum o Mall of Asia Arena ang invitationals. Cebu at Davao naman ang mga lugar na kasado nang dalawin ng Gilas Pilipinas para sa kanilang Luzvimin tour.

Sa Luzvimin series, lalaruin ng National squad ang PBA selection na malamang na ang mga miyembro ay ang PBA stars din na makakalaban ng Gilas Pilipinas sa PBA All-Star Game sa Digos, Davao del Sur sa May 5.

Sina James Yap, PJ Simon at Joe Devance ng San Mig Coffee, Cyrus Baguio, Calvin Abueva at Jayvee Casio ng Alaska, Arwind Santos at Jay Washington ng Petron, Beau Belga, Jervy Cruz at Paul Lee ng Rain or Shine, Mark Caguioa at Kerby Raymundo ng Ginebra, Mike Cortez ng Air21, Sol Mercado ng Globalport, Danny Seigle at Mick Pennisi ng Barako Bull at Macmac Cardona at Ronjay Buenafe ng Meralco ang mga maaring mapasama sa PBA selection.

Si Luigi Trillo ang hahawak ng PBA team sa All-Star Game ngunit wala pang nainonombra na tatangan ng koponan sa Luzvimin series.

***

Idiniin ni San Mig Coffee coach Tim Cone na hindi niya pine-personal ang laban niya sa Alaska Milk. Idiniin din niya na hindi big deal sa kanya ang 7-0 record kontra sa dati niyang koponan.

“I don’t delight beat them, but neither I want them to be successful against us,” ani Cone matapos muling gapiin ang Alaska Aces, 75-68, noong Miyerkules ng gabi.

 â€œWe’re trying to get .500% winning percentage and make the playoffs. It doesn’t matter whether it’s Talk ‘N Text, Petron or any other team,” dagdag ni Cone. “If ever, extra motivation was we’re up against a team that’s 5-0. We have to be sharp.”

ALASKA ACES

ALL-STAR GAME

GILAS PILIPINAS

LUZVIMIN

MANILA INVITATIONALS

N TEXT

NEW ZEALAND

PBA

SAN MIG COFFEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with