Pacquiao-Marquez sasabak muna sa interim fight

MANILA, Philippines - Bago maitakda ang pang-limang banggaan nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez ay inaasahang sasabak muna ang dalawa sa isang interim fight.

Sinabi ni Fernando Beltran ng Zanfer Promotions na naniniwala siyang mapaplantsa ang Pacquiao-Marquez Part 5 bago matapos ang taon sa kabila ng naunang paha-yag ng Mexican fighter na ayaw na niyang labanan ang Filipino boxing superstar matapos manalo sa kanilang ikaapat na paghaharap.

“Manny wants to face Juan Manuel Marquez and I am sure that this fight can be done,” wika ni Beltran sa panayam ng BoxingScene.com.

Ang mga posibleng labanan nina Pacquiao at Marquez para sa kani-kanilang mga non-title fights ay sina Timothy Bradley, Ruslan Provodnikov, Brandon Rios at Mike Alvarado na maglalaban-laban nga-yong taon.

“I think that before this fight it is more likely that Marquez and Pacquiao will face the winners of the fights between Timothy Bradley and Ruslan Provodnikov and Brandon Rios against Mike Alvarado.”

Maghaharap sina Bradley, tumalo kay Pacquiao via split decision noong Hunyo 9, 2012, at Provodnikov sa Marso 16, habang magtatapat naman sina Rios at Alvarado sa Marso 30.

Ang Russian na si Provodnikov ang naging sparmate ni Pacquiao para sa kanyang paghahanda kay Bradley.

Show comments