3rd Noodleworks Cup

MANILA, Philippines - Bubuksan ngayon ang 3rd Noodleworks Basketball Tournament sa Villamor Air Base (VAB) gym sa Brgy. 183 Pasay City.

Tampok sa ligang ito ang mga crew at manager ng kanilang mga restaurants at bars  na pamamahalaan ni Commissioner Rommel Pascual.

Ang opening game ay Noodleworks kontra sa Jr. Dealers na susundan ng laban ng The Terrace  at Bar180 habang ang Prosperity kontra sa Slots sa huling laro.

 

Show comments