^

PM Sports

Triple-double kay LeBron

Pang-masa

PHILADELPHIA -- Bago siya umupo sa bench, tiniyak ni LeBron James na kukuha pa siya ng isang rebound.

Nagtala si James ng kanyang pang-35 career triple-double sa kanyang 16 points, 11 assists at 10 rebounds para pagbidahan ang Miami Heat sa 114-90 tagumpay kontra sa Philadelphia 76ers noong Sabado ng gabi.

Ito ang ika-10 sunod na ratsada ng Heat.

Alam ng three-time NBA MVP na isang rebound na lamang kanyang kailangan para kumpletuhin ang triple-double. At hinablot niya ito sa fourth quarter matapos masupalpal ni Chris Anderson ang tira ni Evan Turner.

“I was going to stay out there until I got it,’’ wika ni James. “I wasn’t going to let this one slip away. I’ve had too many games where I was one assist, one rebound away. I wasn’t coming out.’’

Tumipa naman si Dwyane Wade ng 33 points, habang may 14 si Mario Chalmers at 13 si Chris Bosh para sa 39-14 record ng defending NBA champions sa Eastern Conference.

Apat na panalo ang kinuha ng Heat sa labas ng kanilang balwarte, kasama na ang paggiba sa Oklahoma City bago ang All-Star break at laban sa Chicago noong Huwebes.

Naglista naman si Jrue Holiday ng 21 points at may 19 si Nick Young para sa Philadelphia.

Isang dunk ni James mula sa alley-oop pass ni Norris Cole ang nagbigay sa Heat ng 85-63 abante sa third quarter at hindi na nilingon pa ang 76ers.

CHRIS ANDERSON

CHRIS BOSH

DWYANE WADE

EASTERN CONFERENCE

EVAN TURNER

JRUE HOLIDAY

MARIO CHALMERS

MIAMI HEAT

NICK YOUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with