Bustamante kumita ngayong Pebrero

MANILA, Philippines - Sumargo si Francisco ‘Django’ Bustamante ng kabuuang $38,000 premyo para pangunahan ang dalawa pang Filipino cue masters sa money ranking para sa buwan ng Pebrero, ayon sa www.azbilliards.com.

Pinagharian ng 49-anyos na si Bustamante ang Derby City Classic Master of the Table at ang Derby City Classic Banks Division.

Pumangalawa naman siya sa Derby City Classic One Pocket Division at pumang-anim sa Derby Classic 9-Ball Division para hirangin bilang top money earner para sa buwan ng Pebrero.

Nagbulsa naman si World No. 2 Dennis Orcollo ng $22,000 mula sa kanyang mga panalo sa Derby City Classic Bigfoot 10-Ball Challenge. Pumangatlo si dating world champion na si Alex Pagulayan na may $21,250.

Tumapos si Orcollo bilang pang-anim sa Derby City Classic Banks Division at pumang-siyam sa Derby City Classic One Pocket Division at ika-34 sa Derby City Classic 9-Ball Division.

Kumita naman si Pagulayan ng $16,000 sa paghahari sa Derby City Classic 9-Ball Division.

Pumangatlo ang Fil-Canadian sa Derby City Classic Master of the Table, pumang-lima sa Derby City Classic Bigfoot 10-Ball Challenge at pang-17 sa Derby City Classic Banks Division.

Pumuwesto siya sa ika-2 sa Derby City Classic One Pocket Division.

 

Show comments