MANILA, Philippines - Pinakawalan ng Alaska ang isang 17-puntos na kalamangan sa second quarter, nabaon ng anim na puntos may siyam na minuto na lamang ang natitira sa laro pero nagawa pa ring manalo sa Barako Bull sa huli, 77-73 para maging nag-iisang koponan na lamang na walang talo sa PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Iniskor ni import Ro-bert Dozier ang pito sa kanyang game-high na 19 puntos sa fourth quarter, lahat sa isang 16-6 run na pagtatapos ng Aces pagkatapos lumamang ang Energy Cola, 67-61 para maging malaking bagay sa pangatlong sunod na panalo ng Alaska.
Ito ang unang 3-0 na simula sa isang confe-rence ng Aces mula nang huli nila itong ginawa sa 2010-11 Philippine Cup.
Pero sa isang confe-rence na may imports, ito ang kauna-unahang 3-0 na simula ng Aces sa loob ng mahigit isang dekada, o mula nang huli nilang ginawa ito sa 2001 Commissioner’s Cup.
“We did a good job giving the ball inside to our big guys,†ani Alaska head coach Luigi Trillo na tinutukoy ang kanilang 40-20 na kalamangan sa points inside the paint.
Nagdagdag ng 20 rebounds si Dozier na naging malaking bagay sa 50-43 na bentahe ng Alaska sa rebounds at 8-0 sa second chance points.
Si Cyrus Baguio ang nag-iisang local na umiskor ng double figures para sa Aces na nanalo bagama’t naka-41% lang mula sa field at naka-14-of-23 lang mula sa free throw line.
Ang 15 puntos naman ni Josh Urbiztondo at 12 points at 15 rebounds ni import Evan Brock ang nanguna para sa Barako Bull na nakalasap ng unang talo nito pagkatapos ng dalawang sunod na panalo sa simula ng kanilang kampanya sa second conference.