Mapua kukuha ng foreign player?

MANILA, Philippines - Ayon sa pangulo ng paaralan na si Dr. Reynaldo Vea, ang 89th season ang huling taon para kumuha ang mga kasaling koponan sa pinakamatandang collegiate league sa bansa, ng mga banyagang manlalaro.

“This is the last season for teams to recruit foreign players as agreed by the Board. And we are open to the possibility of getting one,” pahayag ni Vea.

Nananalig naman ang bagong talagang headcoach na si Fortunato ‘Atoy’ Co Jr. na may makukuha nga silang banyagang manlalaro dahil ang Cardinals ang pinakamaliit na koponan sa liga.

“We need to get 6’8, 6’9 or 6’10 players. We are the smallest team in the league at paano kami tatapat sa malalaking players kung 6’5 lang ang sentro namin?” wika ni Co na pormal na ipinakilala sa mga mamamahayag bilang coach ng Cardinals.

Bukod sa paghagilap ng malalaking players, hahasain din ng isa sa 25 All-Time Greatest Player ng PBA na ang basketball career ay nagsimula sa Mapua noong 1970, ang team work na isa sa mahalagang aspeto para maisakatuparan ang ha-ngaring maging palaban sa titulo sa papasok na season. (AT)

 

Show comments