Ayon kay Arencibia: Kayang-kaya ni Rigondeaux si Donaire
MANILA, Philippines - Naniniwala ang co-promoter ni Guillermo Rigondeaux na ang Cuban super bantamweight titlist ang mananalo sa kanilang unification fight ni unified world super bantamweight champion Nonito Donaire, Jr. sa Abril 13.
Ito ang reaksyon ni Boris Arencibia ng Caribe Promotions, ang co-promoter ni Rigondeaux, matapos ang pahayag ni dating world two-division king Juan Manuel Lopez ng Puerto Rico na si Donaire ang inaasahan niyang magwawagi.
“I think we have to respect Juanma’s opinion, but Rigondeaux will win easier than most people think because he will put Nonito to work and fight him,†wika ni Arencibia.
Nauna nang sinabi ni Lopez (32-2-0, 29 KOs) na pinapaboran niyang manalo ang 30-anyos na si Donaire (31-1-0, 20 KOs) kontra sa 32-anyos na si Rigondeaux (11-0, 8 KOs).
Sakaling mangyari ito, hahamunin ni Lopez si Donaire, ang kasalukuyang World Boxing Organization at International Boxing Federation super bantamweight champion.
Ngunit kumpiyansa si Arencibia na si Rigondeaux, ang may hawak ng World Boxing Association belt at isang two-time Olympic Games gold medalists para sa Cuba, ang mananalo at hindi si Donaire.
“Nonito will feel the power of his punches. Rigondeaux is a stylist who breaks his opponents down,†wika ni Arencibia.
Wala pang pormal na pahayag si Bob Arum ng Top Rank Promotions kung saan gagawin ang Donaire-Rigondeaux unification fight.
- Latest