Nicholson kasama sa Rising All-Star game

MANILA, Philippines -

Si Nicholson ay idinagdag sa Team Shaq sa larong katatampukan ng first at second-year players ng liga.

Papalitan niya si Detroit Pistons rookie center Andre Drummond na mawawala ng hindi bababa ng isang buwan dahil sa injury sa likod.

Ang teammate ni Nicholson sa Orlando  na si  second-year center Nikola Vucevic ay lalaro para sa Team Chuck.

Ang teams ay mamanduhan nina NBA legends Shaquille O’Neal at Charles Barkley kung saan parehong may  freshmen at sophomore players ang kani-kanilang team.

Ito ang ikalawang pagkakataong, gagamitin ang ganitong format. Dati-rati, ang  rookies ay lumalaban sa mga second-year players.

Si Nicholson,  6-foot-9 forward mula sa St. Bonaventure, ay nag-a-ave-rage ng 7.6 points at 3.5 rebounds  sa 15.4 minutes per game. Bago malaman na kasama siya sa Rising Stars game, plano niyang mag-beach sa All-Star break.

Ang Rising Stars Challenge ay nakatakda sa Biyernes sa Houston, kung saan ang All-Star Game ay lalaruin sa Feb. 17.

Show comments