Nagpalit ng hinete, Pilyo nanalo

MANILA, Philippines - Nakatikim muli ng pa­­nalo ang kabayong Pil­yo nang magbunga ang de­­sis­yong magpalit ng hi­nete nang tumakbo ang ka­bayo noong Biyernes ng gabi sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Si JE Apellido ang hineteng pinagkatiwalaan sa Handicap Race (3) na pinaglabanan sa 1,200m at hindi naman sinira ng hi­nete ang pagtitiwalang ibi­nigay sa kanya nang ma­nalo ang Pilyo.

Nasa outer lane tu­makbo ang Pilyo at ki­nuha ang kalamangan papasok sa huling liko.

Ilang hagupit pa ni Apel­lido ang nagtulak sa ka­bayo para bumulusok at ma­nalo ng dalawang dipa sa King Al­jhun.

Bahagyang paborito ang nanalong kabayo para makapagpasok ng P10.50 sa win, habang ang forecast na 5-4 ay naghatid ng P67.50 dibidendo.

Dehado ang New Dawn at nagpasok ng P31.50 sa win, habang ang 6-8 na mas dehadong kom­binasyon sa forecast ay may P255.00 na ipina­mahagi.

 

Show comments