^

PM Sports

Varejao may blood clot sa baga, out na sa season

Pang-masa

CLEVELAND -- Mula sa posibleng All-Star appearance biglang bumagsak si Anderson Varejao at di na makakalaro pa sa season.

Nanatili sa ospital ang  malaking sentro ng Cavaliers na nanguna sa NBA  rebounding bago nawala noong nakaraang buwan dahil sa inakalang  bugbog na tuhod na ngayon ay sinasabi nang  blood clot sa ibabang bahagi ng kanang baga na dahilan para kailanganin nitong magpahinga sa natitirang season.

Si Varejao, inoperahan ang napunit na muscle noong Jan. 10, ay nasa The Cleveland Clinic mula pa noong Huwebes.

Sinabi ng Cavs na malamang na magtagal pa ito sa  sa ospital para gamutin.

Inaasahang makakarekober na ng husto si Varejao  ngunit patuloy siyang iinom ng pampalabnaw ng dugo ng tatlong buwan, ayon sa pahayag ng team.

Ang pagkawala ng 6-foot-11 na si  Varejao ay ma-laking dagok sa Cavs na ngayon ay may 10-32 record.

“Losing him already was bad enough for us,’’ sabi ni star point guard Kyrie Irving. “The news got worse today. We wish him the best. We’re all going to be there for him morale-wise, just try to be there for him as best as we can as teammates. That’s all we can do right now.’’

Bagama’t na-admit sa ospital si Varejao, apat na araw na ang nakakaraan, hindi sinabi ng Cavs na nananatili ito sa ospital na inihayag lamang ng team bago magsimula ang workout ng mga player sa kanilang  training facility.

 

ANDERSON VAREJAO

BAGAMA

CLEVELAND CLINIC

HUWEBES

INAASAHANG

KYRIE IRVING

SI VAREJAO

VAREJAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with