^

PM Sports

Cagayan palalakasin ang paghahabol sa awtomatikong puwesto sa semis

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pasisikatin pa ng Cagayan Valley Rising Sun ang paghahabol para sa awtomatikong puwesto sa semifinals sa pagpuntirya ng panalo laban sa Fruitas Shakers sa PBA D-League Aspirants’ Cup ngayon sa Jose Rizal University Gym.

Ang laro ay magsisi-mula sa ganap na  ika-2 ng hapon at sunod dito ang tagisan ng host Jose Rizal University at talsik nang Erase Xfoliant dakong alas-4 ng hapon.

Nasa solo-ikatlong puwesto ang Suns sa standing sa hanay ng 11-koponan at kailangan nilang maipanalo ito para tumibay ang hangad na No. 2 puwesto at ang mahalagang insentibo.

Ang  Blackwater Sports ang siyang nasa ikalawang puwesto sa 6-2 karta at ang nasabing koponan ang huling laro ng tropa ni coach Alvin Pua na gagawin sa Huwebes.

“May chance kami sa No. 2 so wala kaming ibang dapat gawin kungdi ang pagsikapan na maipanalo ang huling dalawang laro,” wika ni Pua.

May 4-4 baraha naman ang Fruitas at na-ngangailangan din ng panalo para manatiling buhay ang paghahabol para sa ikatlo at ikaapat na puwesto na magkakaroon ng twice-to-beat advantage sa quarterfinals.

Pero nadedehado ang tropa ni coach Nash Racela dahil hindi pa rin magagamit ng koponan si Ola Adeogun dahil sa foot injury.

Hindi nakasama ang 6’8” center sa huling laro laban sa Heavy Bombers sanhi ng kanilang 64-100 pagkatalo.

 

ALVIN PUA

BLACKWATER SPORTS

CAGAYAN VALLEY RISING SUN

D-LEAGUE ASPIRANTS

ERASE XFOLIANT

FRUITAS SHAKERS

HEAVY BOMBERS

JOSE RIZAL UNIVERSITY

JOSE RIZAL UNIVERSITY GYM

NASH RACELA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with