^

PM Sports

Tunacao nakinabang sa pagiging sparmate ni Yamanaka

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang pagiging dating sparmate ng kasalukuyang WBC bantamweight champion na si Shinsuke Yamanaka ng  Japan ang magagamit nang husto ni Malcolm Tunacao para maipanalo ang magaganap nilang laban.

Ang 36-anyos na si Tunacao na noong Marso 2, 2001 huling naharap sa world title fight, ay magkakaroon ng pagkakataon na manumbalik sa trono, matapos ang 12-taon, sa pagsukat sa 30-anyos na si Yamanaka sa Abril 8 sa Kokugikan, Tokyo.

Naitakda ang tagisan matapos manalo si Tunacao kay Mexican Christian Esquivel sa title eliminator na ginawa noong Disyembre 22 sa Centra Gym sa Japan.

Sandaling napag-aralan ni Tunacao ang kilos ni Yamanaka at nakita niya na ang lakas ng Japanese champion ay ang kanyang  kanang kamao.

Nasa Mandaue City ngayon si Tunacao para pa-nandaliang iselebra ang kanyang panalo kay Esquivel pero magsisimula na siya na magpakondisyon upang paglipad niya ng Japan sa ikatlong linggo ng buwan ng Pebrero ay handa na siya sa mas matinding pagsasanay.

Noong Mayo 19, 2000 nakilala si Tunacao nang patulugin niya si Medgeon Singsurat ng Thailand para agawin ang hawak na WBC flyweight title.

Pero hindi umabot ng isang taon ang paghawak niya sa korona dahil matapos ang tablang laban sa unang title defense  laban kay Celes Kobayashi ng Japan, nahubad kay Tunacao ang titulo nang patulugin sa unang round ni Ponsaklek Wonjongkam ng Thailand noong Marso 2, 2001.

Mula noon ay hindi na nakalaban pa sa lehitimong world title fight si Tunacao hanggang sa talunin si Esquivel sa huling laban.

May 32-2, 20 KO si Tunacao at 23-1 matapos matalo kay Wonjongkam upang maipakita na taglay pa rin niya ang bangis para maging isang world champion.

CELES KOBAYASHI

CENTRA GYM

ESQUIVEL

MALCOLM TUNACAO

MARSO

MEDGEON SINGSURAT

MEXICAN CHRISTIAN ESQUIVEL

NASA MANDAUE CITY

NOONG MAYO

TUNACAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with