PHOENIX -- Naging matagumpay ang tambalan nina coach Alvin Gentry at point guard Steve Nash sa nakaraang bersyon ng Phoenix Suns kung saan nakapasok sila sa 2010 Western Conference finals.
Ngunit lumaylay naman ang kampanya ng Suns at ni Gentry dahil sa mga bagong players ng Phoenix ngayon.
Naghiwalay kahapon sina Gentry at ang nanguÂngulelat na Suns matapos ang limang taon na samahan.
Sinabi ng Phoenix na isang interim coach mula sa kanilang coaching staff ang hihirangin sa susunod na 24 hanggang 48 Oras.
“Alvin Gentry is a good coach and a good person,†sabi ni Suns vice president of basketball operations Lon Babby mula sa US Airways Center.
“He was the perfect coach for our previous group. But with the current group, all of us, including Alvin himself, realized that it just wasn’t working, the pieces just weren’t fitting,†dagdag pa nito.
Si Gentry ang naging mentor ng Suns matapos patalsikin si Terry Porter sa All-Star break noong 2009.
Naibalik ni Gentry sa porma ang koponan kagaya ng ginawa ni dating coach Mike D’Antoni.
Binanderahan ni Nash, ang two-time league MVP, nagposte ang Suns ng 54-28 record at nakapasok sa Western Conference finals sa unang season ni Gentry bilang coach.