La Salle hangad ang liderato ng UAAP

Laro Ngayon

(Filoil Flying V Arena)

8 a.m. AdU vs UE (men)

9:30 a.m. NU vs UST (men)

2 p.m. UST vs UP (women)

3:30 p.m. DLSU vs NU (women)

 

 

MANILA, Philippines - Nanggaling sa isang five-set win laban sa Ate­neo, target ng nagde­depensang La Salle ang liderato sa pakikipag­harap sa National Univer­sity sa pagsisimula ng se­cond round ng UAAP Sea­son 75 women’s vol­ley­ball tournament.

Lalabanan ng Lady Ar­chers (6-1) ang Lady Bul­ldogs (4-3) ngayong alas-3:30 ng hapon sa Fil­oil Flying V Arena sa San Juan.

Magtatapat naman ang University of Santo To­mas (4-3) at ang Uni­ver­sity of the Philippines (1-6) sa alas-2.

Matapos matalo sa Tig­resses, anim na sunod na panalo ang inilista ng Lady Archers, kabilang ang isang 26-28, 21-25, 25-13, 25-21, 15-13 panalo kontra sa mga Lady Eagles sa pagtatapos ng first round.

 

Show comments