Garcia bagong coach ng Letran
MANILA, Philippines - Pumirma na si Caloy Garcia ng offer sheet ng mga Letran officials bilang bagong coach ng Knights bagama’t mayroon pa ring mga minor issues na kailangang ayusin bago niya pormal na okopahan ang posisyong matagal na hinawakan ni Louie Alas.
“May understanding na kami and we’ll just have to iron out some things, like the (coaching) staff. But other that, okay na,†sabi ni Garcia na umaasang maaayos na lahat ngayong linggong ito.
Nagbitiw si Alas matapos matalo ang Knights sa three-peat champions San Beda sa dalawang laro sa Season 88 men’s basketball finals.
Sa ilalim ni Alas, nakakuha ang Letran ng tatlong NCAA basketball titles (1998, 2003 at 2005) at may 10 Final Four appearances.
Kapag naayos na ang lahat, ang unang gagawin ni Garcia ay kausapin ang anak ni Alas na si Kevin, ang top gunner ng Knights para muling makatulong sa koponan.
Tila nag-aagam-agam ang anak ni Alas na lumaro ng kanyang ikalimang taon sa Letran dahil may balitang plano na nitong magpa-draft at nais nitong ituon ang oras sa paglalaro sa Smart Gilas National team.
“My first job is to talk to Kevin, and other players na kailangang bumalik, explain my system for them to understand it and make them realize how I can help the team make a come back,†sabi ni Garcia.
Dating naging football player sa Letran Squires at basketball player sa Knights basketball team, bumalik si Garcia sa Letran bilang coach ng college team.
Dati na siyang nag-coach sa St. Benilde noong 2005 hanggang 2007 at sa Welcoat na nagkampeon sa Philippine Basketball League. Siya rin ang unang nag-coach sa Welcoat nang umakyat ito sa PBA.
- Latest