MANILA, Philippines - Sa ikalawang sunod na pagkakataon ay idedepensa ni Filipino world light flyweight champion Johnriel CaÂsimero ang kanyang korona laban kay Panamanian challenger Luis ‘Pan Blanco†RÃos sa Marso 16 sa Panama.
Itataya ni Casimero ang kanyang suot na International Boxing Federation crown kontra kay Rios.
Naging matagumpay ang pagtatanggol ng tubong Ormoc City, Leyte sa kanyang hawak na IBF light flyweight title laban kay Mexican challenger Pedro Guevara noong nakaraang taon sa Centro de ConÂvenciones sa Mazatlán, SiÂnaloa, México.
Tinalo ni Casimero si Guevara via split decision upang patuloy na isuot ang naturang IBF belt pabalik ng bansa.
Unang dumayo si Casimero sa Mexico noong Hulyo 24, 2010 kung saan siya inagawan ni Ramon GarÂcia Hirales ng hawak niyang World Boxing Organization (WBO) interim title via split deÂcision sa Los Mochis, SiÂnaloa.
Kasalukuyang ibinabandera ng 22-anyos na si Casimero ang kanyang 17-2-0 win-loss-draw ring record kaÂsama ang 10 KOs kontra sa ka-edad niyang si Rios (18-1-1, 13KO’s).
Bukod kay Casimero, ang iba pang Pinoy fighters na naging kampeon sa light flyweight division ay sina Dodie Boy Peñalosa (IBF 1983), Tacy Macalos (IBF 1988-89), Rolando Pascua (WBC 1990-91), Rodel Mayol (WBC 2009-2010), Brian ‘The Hawaiian Punch’ Viloria (WBC 2006 at IBF 2009) at Donnie Nietes (WBO 2011-2012).