JRU, Blackwater nalo pareho
MANILA, Philippines - Naitala ni John Villa-rias ang pinakamabangis na opensa na nakita sa PBA D-League Aspirants’ Cup upang ibigay sa nanggugulat na Jose Rizal University ang 100-64 panalo laban sa Fruitas Shakers na nilaro kahapon sa Trinity University of Asia Gym sa Quezon City.
“Hindi ko maipaliwanag, nagkataon lamang na sinuwerte ako,†wika ni Villarias na tumapos taglay ang 36 puntos mula sa 12-of-18 shooting, kasama ang 7-of-9 sa tres, sa 25 minutong paglalaro.
Ang naitalang puntos ay tumabon sa 32 na da-ting pinagsasaluhan nina Carlo Lastimosa ng Fruitas at Jopher Custodio ng Cebuana Lhuillier na natalo rin sa Blackwater Sports sa ikalawang laro, 91-80.
Ikatlong sunod na panalo ito ng tropa ni coach Vergel Meneses at 4-4 sa kabuuan para makasalo sa ikalima hanggang ikapitong puwesto kasama ang Fruitas at pahingang Café France.
Hindi naman lumam-ya ang laro ng Elite kahit hinamon ng Gems sa hu-ling yugto para manatiling nasa ikalawang puwesto sa 6-2 baraha.
Si Robby Celiz ay mayroong 20 puntos habang 17 ang hatid ni Kevin Ferrer pero malaking papel din ang ginawa nina Jeric Fortuna at Ian Mazo para tuluyang ipatikim sa Gems ang ikalimang kabiguan matapos ang walong laro.
Isang tres ni Mazo matapos ang jumper ni Fortuna ang naglayo sa Elite sa 11, 86-75, sa hu-ling isang minuto ng labanan.
- Latest